Bakit Bombay?......Bakit 5-6?
Ito ang madalas na maikapit sa mga taong galing sa Mumbai, India.
Na pumunta dito sa atin para magnegosyo.
Iyong mga taong ang iba ay naka suot ng turban na halos nakikita mo araw-araw sa palengke
Na may bitbit ng kung ano-anong gamit na pahulugan.
Pero bakit may 5-6 pa?
Simple lang ang paliwanag ng ibang tao diyan
Na kapag nagpautang ng pera ang Bombay
Ang halagang 500 pesos ay nagiging 600 pesos
Kapag hindi nabayaran sa loob ng anim na araw.
Ano naman ang nagagawa ng Bombay sa ating mga Filipino?
Lalong lalo na sa mga maliliit na negosyante na may maliliit na puhunan?
Malaki ang nagiging epekto ng Bombay sa atin
Pwedeng nakabuti para sa ibang tao
At pwede namang nakasama naman sa iba.
Nakabuti kapag ang kinuha mong pera sa Bombay ay nagamit mo ng maayos
At nakasama kapag nagkalugi lugi ang negosyo mo dahil sa walang habas
na gastos at hindi mo talaga napagkakitaan 'yong perang hiniram mo.
Anong aral ang mapupulot natin dito?
Na dapat ay mag isip tayo ng maraming ulit kung tayo ay mangungutang ng pera.
Na kung mapi pwede, iwasan natin ang bad debt o 'yong walang ROI na tinatawag.
Dapat pala meron tayong tinatawag na Financial literacy o matalinong paghawak ng pera.
Sa ganung paraan, hindi masasayang ang pera at pagod natin dahil sa ating mga maling desisyon.
Ang simpleng tips na ito ay hatid sayo ng inyong lingkod Erwin Orila na palaging handang tumulong
sa mga taong gustong umangat at mabago ang buhay. Para sa higit na pagkakakilanlan
bumisita sa About Erwin Orila page. Maraming Salamat Po.

No comments:
Post a Comment